Hakbang ng Pilipinas vs COVID-19 nagbubunga na – Galvez

By Dona Dominguez-Cargullo April 09, 2020 - 09:39 AM

Unti-unti nang nagbubunga ang mga ipinatutupad na hakbang ng pamahalaansa laban nito kontra COVID-19.

Ayon Secretary Carlito Galvez Jr., chief implementer ng National Task Forcce COVID-19, may magandang resulta na ang mga hakbang ng pamahalaan.

Sa pulong kasama ang iba pang miyembro ng gabinete at si Pangulong Rodrigo Duterte sinabi ni Galvez na mas istrikto ang ginagawang hakbang ng pamahalaan ng Pilipinas kumpara sa ibang bansa na tinamaan ng sakit.

Dagdag pa ni Galvez sa pagpapalawig ng enhanced community quarantine ay mas mabibigyan ng oras ang gobyerno na pagbutihin ang serbisyong medikal.

Ang Pilipinas din aniya ay maagang nagpatupad ng travel ban laban sa mga bansang unang tinamaan ng sakit.

“Napakaganda ng ating preparasyon kumpara sa ibang bansa, tayo ang pinakauna na nagkaroon ng tinatawag nating travel ban sa mga bansa na nakaroon ng COVID-19 cases. At nakita natin na ang ating hard decisions – ‘yung desparate decisions – are paving the way for the good results that we are having now,” ayon kay Galvez.

TAGS: COVID-19, fight vs covid, secretary galvez, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, fight vs covid, secretary galvez, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.