Kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong, umabot na sa 144
Patuloy na nadaragdagan ang kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong City.
Sa huling datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:30, Miyerkules ng hapon (April 8), nasa 144 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
356 ang naitalang persons under investigation (PUI) kung saan 32 ang cleared na.
Nasa 321 naman ang persons under monitoring (PUI) kung saan 248 ang cleared na.
Samantala, 16 pasyente sa Mandaluyong ang nakarekober na sa sakit habang 26 ang na-discharge na sa mga pagamutan.
Umabot naman sa 15 ang COVID 19-related deaths sa lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.