Watch: Suriin ang sarili ngayong Ash Wednesday-Fr. Rico Bilangel

Ngayong Ash Wednesday na hudyat ng pagsisimula ng panahon ng kwaresma ang tamang panahon para suriin ang ating sarili.

Ito ang sinabi sa Radyo Inquirer ni Fr. Rico John Bilangel ng Baclaran Church.

Ayon kay Fr. Bilangel, magandang pagkakataon ito upang suriin ng bawat isa ang sarili at kumustahin ang ating ugnayan sa Diyos.

Sinabi ni Bilangel na paalala din ito na ang bawat isa ay patuloy na inaakay at inaanyayahan ng Diyos sa isang buhay na kasiya-siya at kaaya-aya.

Ang Ash Wednesday ay hudyat ng pagsisimula ng 40 araw na panahon ng kwaresma.

Pinayuhan din ni Bilangel ang mga kabataan na isapuso ang Ash Wednesday at huwag dumalo sa misa nang para lamang may pang-selfie at pangpost sa kanilang mga social media accounts.

Maagang dumagsa sa Baclaran Church gayundin sa Quiapo Church ang publiko para dumalo sa misa ngayong umaga.

Read more...