Partnership ng DOTr para sa dalawang oil company para sa fuel subsidy inilunsad
Nakipag-partner ang Department of Transportation (DOTr) sa dalawa pang oil companies para magbigay ng fuel subsidy sa mga bus na lumalahok sa Free Bus Service para sa Health Workers Program.
Ayon kay Transport Secretary Arthur Tugade, pinakabago nilang makatutulong ang Total Philippines at Clean Fuel.
Malaking tulong aniya ang kanilang partnership sa mga nasabing oil firm para sa mga bus na nagbibigay ng libreng serbisyo sa mga health workers sa gitna ng ipinapatupad na enhanced community quarantine sa Luzon dahil sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.
Sabi ni Tugade, “Ito ay malaking tulong para makasiguro tayong tuluy-tuloy ang ating serbisyo upang makatulong sa ating mga health workers. Malaking bagay ho ito sa mga modernong bayani nating nagsasakripisyo para sa ating mga kababayan. Sa Total Philippines at CleanFuel, taos-puso po ang aming pasasalamat”.
Ang CleanFuel ay magbibigay ng 40 litro ng gasolina sa para 20 bus units simula April 8 hanggang sa April 30 2020.
Ito ay maaring kunin sa CleanFuel Kamias, Quezon City at Biñan branch sa Laguna.
Ang Total naman ay magkakaloob ng free fuel sa 30 bus units ng halagang P1,000 bawat isang bus na tatagal hanggang April 17, 2020.
Kabilang ang mga sumusunod na Total Gasoline Stations sa lumalahok sa programa:
– Total Alabang, Filinvest Corporate City, Muntinlupa City
– Total NAIA, Tambo, Paranaque City
– Total EDSA Pasay, Malibay, Pasay City
– Total C5 Pasig, Bagong Ilog, Pasig City
– Total Greenhills, Ortigas Ave., San Juan
– Total R. Magsaysay, Sta. Mesa, Manila
– Total JP Rizal, Malanday, Marikina City
– Total Marcos Hi-way, Mayamot, Antipolo City, Rizal
– Total Valenzuela, Karuhatan, Valenzuela City
– Total Mindanao Ave., Bagong Pag-asa, Quezon City
– Total Commonwealth, Matandang Balara, Quezon City
– Total Tuguegarao 1 , Carig Sur, Tuguegarao City, Cagayan
– Total Rioeng, Laoag City, Ilocos Norte
– Total Abanao , Kisad Rd, Baguio City
– Total Cabcaben Hi-way, Mariveles, Bataan
– Total San Fernando, Dolores, San Fernando City, Pampanga
– Total San Jose Del Monte, Gov Fortunato Halili Rd, SJDM, Bulacan
– Total San Pedro Palawan, Puerto Princesa, Palawan
– FBT – San Agustin, San Agustin, Romblon
– FBT- San Angel, San Jose de Buenavista, Antique
– Total Bata-Pepsi, Bacolod City, Negros Occidental
– Total Looc, Dumaguete City, Negros Oriental
– Total Tagbilaran, Tagbilaran City, Bohol
Nauna nang nakipag-partner ang DOTr sa Phoenix Petroleum Philippines, Inc. upang magbigay ng libreng fuel sa mga bus units na kasama sa DOTr Free Ride for Health Workers Program.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.