Mga empleyadong nagtatrabaho sa mga MSME, iginiit na bigyan ng wage subsidy ng pamahalaan

By Erwin Aguilon April 08, 2020 - 04:31 PM

Hinikayat ni House Deputy Majority Leader at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera na magkaroon ng wage subsidy para sa mga empleyadong nagtatrabaho sa micro, small and medium enterprises (MSMEs).

Ayon kay Herrera, maaring gumawa ang gobyerno ng emergency wage subsidy program para sa MSMEs upang mapanatili ang trabaho at matiyak naman ang kita ng mga empleyado sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine.

Sa mungkahi ni Herrera, susuportahan ng pamahalaan ang MSMEs sa pagpapasweldo sa kanilang mga manggagawa sa loob ng dalawang buwan.

Sa ganitong paraan, hindi lang aniya maiiwasan ang tanggalan sa trabaho kundi matutulungan rin ang maliliit na negosyo na magpatuloy sa kanilang operasyon kasunod ng krisis.

Dagdag pa ng kongresista, ang payroll subsidy ay isang paraan din nang pagbalik naman sa MSME sector sa kanilang malaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya.

Nasa mahigit aniyang 99 percent ang mga nasabing negosyong na nagbibigay ng trabaho sa 63.19 percent ng mga manggagawa sa bansa.

TAGS: COVID-19, enhanced community quarantine, Inquirer News, MSME, Rep. Bernadette Herrera, COVID-19, enhanced community quarantine, Inquirer News, MSME, Rep. Bernadette Herrera

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.