Kailangan aniya mapabilang ang mga ito sa pagpapatupad ng Universal Basic Approach.
Sabi ni Salceda, win-win solution ito kasunod ng panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na maisama sa financial assistance ang mga nasa middle class.
Sa ganitong paraan aniya ay mas malawak ang maaabutan ng tulong mula sa gobyerno kung saan mapapabilang pati ang mga middle-class sa mabibigyan ng ayuda.
Tinukoy dito na ang mga kabilang sa 7th, 8th at 9th middle-income households ay nakapag-ambag ng P44.4 billion sa buwis kung saan P29.4 billion dito ay kabilang sa personal income taxes.
Sa proposal ni Salceda, bawat Filipino maliban sa top 10% ng populasyon ay maaaring bigyan ng tig P1,000 hanggang P2,000 per head bilang emergency assistance kung saan kasama dito ang middle-class.
Sa pamamagitan aniya nito ay maaalis na ang kalituhan sa kung sino ang eligible na makatanggap ng ayuda dahil mapapadali rin aniya ang distribusyon at hindi na kailangan ng mahabang proseso sa pag-validate ng mga listahan ng benepisyaryo.
Bukod dito, higit na makakatipid rin aniya ng pondo ang pamahalaan sa naturang basic income approach dahil maglalaan lamang ng P198.2 billion ang pamahalaan para ma-cover ang 90% ng populasyon ng bansa habang P176.2 billion naman kung 80% lang ng populasyon ang bibigyang ng ayuda.
Hindi hamak aniyang mas mababa ito kumpara sa P200 billion na projected emergency subsidy program na kasalukuyang ipinapatupad ng pamahalaan.
Dagdag nito, ikinukunsidera ng Pangulo ang pagbibigay din ng tulong sa mga middle-income earners dahil sa malaking ambag nito sa buwis sa bansa.