Pangulong Duterte, “fit and healthy” pa rin kahit kulang sa tulog – Palasyo

By Angellic Jordan April 08, 2020 - 03:38 PM

Presidential photo

“Fit and healthy” pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng kakulangan sa tulog, ayon sa Palasyo ng Malakanyang.

Sa press briefing, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na malusog pa rin ang pangangatawan ng pangulo kahit wala masyadong maayos na tulog sa gitna ng kinakaharap na krisis sa COVID-19.

Tulad aniya ng sinabi ng Pangulo, hindi siya makatulog nang wasto dahil sa pag-iisip sa problema ng bansa sa nakakahawang sakit.

Matatandaang nagsimulang sumailalim sa 14-day quarantine ang Pangulo matapos magpositibo ang ilang opisyal ng gobyerno ng COVID-19.

Bago ito, nagnegatibo ang Pangulo sa isinagawang COVID-19 testing sa kaniya.

TAGS: President Rodrigo Duterte, Sec. Salvador Panelo, President Rodrigo Duterte, Sec. Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.