Bilang ng naserbisyuhan ng DOTr Free Ride for Health Workers Program, umabot na sa 84,411


Umabot na sa mahigit 84,000 ang bilang ng naserbisyuhan ng Free Ride for Health Workers Program ng Department of Transportation (DOTr).

Sa huling datos ng kagawaran hanggang April 7, nasa kabuuang 84,411 health workers ang nabigyan ng free bus service.

Sa nasabing bilang, 31,188 ang naserbisyuhan sa National Capital Region (NCR) habang 53,223 naman sa labas ng NCR.

Kabilang sa mga nabigyan din ng serbisyo sa Regiona 1, 2, 3, 4A, 4B, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, CAR at CARAGA.

Katuwang ng DOTr sa libreng sakay ang Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Read more...