Detainee ng Sta. Ana Police sa Maynila, nasawi habang naliligo
Binawian ng buhay ang isang detainee sa Sta. Ana Police Station sa Lungsod ng Maynila, Miyerkules ng umaga.
Ayon kay Police Lt. Col. Carlo Manuel, ang tagapagsalita ng Manila Police District o MPD, sa inisyal na ulat ng MPD station 6 o Sta. Ana Police, naliligo umano ang biktima nang biglang bumagsak.
Sinabi ni Manuel na hinihinalang inatake sa puso ang preso.
Bago ang pagkamatay ng biktima, wala naman umano itong sintomas ng COVID-19.
Sa ngayon, wala pang ibang detalye na maibigay si Manuel at sinabing hintayin na lamang muna ang report ng ospital ukol sa tunay na sanhi ng kamatayan ng biktima.
Pero batay sa report sa kanya ng MPD Station 6 ay siksikan din ang mga nakapiit sa loob ng detention facility sa presinto. Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon sa pangyayari.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.