PPA, naglagay ng decontamination tents sa mga pantalan
Naglagay ang Philippine Ports Authority (PPA) ng decontamination at misting tents sa lahat ng pantalan at terminal sa bansa.
Ayon sa PPA, layon nitong ma-disinfect ang lahat ng papasok at lalabas ng mga pantalan para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Mayroong disinfection booth, foot bath at iba pa para lahat ng papasok at lalabas ng pantalan.
Naglagay din ang mga Port Management Office ng sanitation booths sa pedestrian areas sa lahat ng baseports at ilang terminal.
Ayon kay PPA General Manager Jay Daniel Santiago, maaaring ituloy ang paggamit ng decontamination tents sa mga susunod na buwan kahit bumaba ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Paliwanag nito, sa pamamagitan kasi ng decontamination facilities ay mababawasan ang panganib na makontamina ng nakakahawang sakit.
Sinabi pa ni Santiago na naglabas siya ng marching order sa lahat ng PMO para ipatupad ang mga kinakailangang hakbang para mapanatiling malinis at sanitized ang mga pantalan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.