Kumpanyang DOLE PH binigyan ng P5K na halaga ng kanilang produkto ang netizen na napagkamalan silang labor department

Dahil sa kagustuhang makakuha ng cash assistance mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) nagpasya ang netizen na si CJ Banasihan na mag-message sa Facebook page ng DOLE.

Sa kaniyang mensahe, nagtatanong si Banasihan kung paano siya makakakuha ng P5,000 tulong mula sa DOLE dahil isa siya sa mga manggagawang naapektuhan ang trabaho dahil sa umiiral na enhanced community quarantine.

Pero ang DOLE na napadalhan ng mensahe ni Banasihan, hindi ang labor department kundi ang kumpanyang DOLE Philippines na isang globan fruit products company.

Sa pahayag ng DOLE PH, ipinaliwanag nila kay Banasihan na hindi sila ang DOLE na kaniyang kailangan.

Pero sinabi ng DOLE PH, nagpasya sila na bigyan din ng tulong si Banasihan.

Pinadalhan nila ito ng P5,000 na halaga ng kanilang produkto.

“He may not have gottne the money yet from the Department of Labor and Employment, but he received more than P5,000 worth of our products for brightening up everyone’s day with his viral post,” ayon sa DOLE PH.

Read more...