Halos 100 Colombians na may Guillain-Barre syndrome, nakitaan din ng sintomas ng Zika

By Dona Dominguez-Cargullo February 10, 2016 - 08:49 AM

Ueslei Marcelino / Reuters
Ueslei Marcelino / Reuters

Aabot sa halos isang daang Colombians na mayroong sakit na Guillain-Barre syndrome (GBS) ang nakitaan din ng sintomas ng Zika.

Ang GBS ay isang rare nerve disorder na nagdudulot ng pagaksira ng nerve cells, panghihina ng muscle at tuluyang pagkaparalisa.

Kamakailan inanunsyo ng mga health authorities sa Colombia na mayroong tatlong nasawing pasyente ng GBS at tinamaan ng Zika.

Ayon kay Martha Lucia Ospina, pinuno ng Colombia’s National Health Institute, sa ngayon mayroon pang anim na nasawi na iniimbestigahan nila dahil posibleng may kaugnayan din ito sa Zika.

Ang mga napaulat din na kaso ng GBS sa Colombia ay tumaas kasabay ng Zika outbreak sa Central at South America.

Sa average, umaabot sa 242 na kaso ng GBS ang naitatala sa Colombia kada taon, pero sa loob lamang ng limang linggo ngayong taong 2016, nasa 86 na ang naitalang GBS cases.

TAGS: Guillain-Barre syndrome, zika virus, Guillain-Barre syndrome, zika virus

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.