NKTI punuan na; lilimitahan na ang pag-admit sa mga pasyente
Punuan na rin ang National Kidney Transplant Institute (NKTI).
Sa pahayag ni NKTI Exec. Dir. Rose Marie Rosete-Liquete, araw-araw ay umaabot sa 76 na PUIs ang kanilang tinatanggap at 59 na PUIs na nangangailangan ng dialysis.
Puno na ng pasyente ang ospital, maging ang kanilang COVID Field na mayroong 75 bed capacity.
Sa pahayag ng ospital, sa kabila ng kagustuhan nilang ma-accomodate ang lahat ng pasyente ay kailangan nilang maglimita ng admissions.
Tiniyak naman ng NKTI na ang mga pasyente na hindi ma-admit ay bibigyan pa rin ng medical advice at treatment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.