Pasig City LGU nagtalaga ng COVID-19 Referral Facility
Dahil halos punuan na sa mga pasyente ng COVID-19 ang mga pampubliko at pribadong ospital nagtalaga ng COVID-19 Referral Facility sa Pasig City.
Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto nagpasya silang i-convert ang city-run Pasig City Children’s Hospital (PCCH) bilang COVID-19 Referral Facility.
Ang COVID-19 Unit sa Pasig City General Hospital ililipat na sa PCCH.
Habang ang pediatric services naman ng PCCH ay ililipat sa PCGH.
Magha-hire din ng dagdag na health workers kabilang ang doktor at nurses.
Ang referral facility ay may kumpletong gamit kabilang ang 26 na ventilators at gamit pang-dialysis.
Mayroon itong 90-bed capacity at may backup plans din para sa mas maitaas ang capacity.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.