Sen. Bong Go nagbilin sa LGUs na ayusin ang paggamit sa dagdag na P30.8B na cash aid
Ngayon pa lang ay nagbilin na si Senator Christopher Go sa mga lokal na pamahalaan na maging masinop sa paggamit ng karagdagang pondo na ibibigay sa kanila ng pambansang gobyerno.
Kaugnay ito sa pagpapalabas ng Department of Budget ng higit P30.8 bilyon para tulungan ang LGUs sa pagbibigay ayuda sa mamamayan at sa epekto sa lokal na ekonomiya ng krisis dulot ng COVID 19.
Ayon kay Go ang tulong pinansiyal sa LGUs ay pagkilala sa hinaharap nilang problema partikular na sa pagbibigay ayuda sa mamamayan.
Ngunit kasabay nito ang mahigpit na bilin ng senador sa mga lokal na opisyal na ayusin ang paggamit ng pondo at tiyakin na hanggang sa huling sentimo ay mapupunta sa mga nangangailangan.
Diin ng senador, ang cash grant ay dapat eksklusibong gagamitin lang sa mga proyekto at programa kaugnay sa pakikipaglaban sa COVID 19, gaya ng pagbili ng mga personal protective equipment para sa frontliners, pagbili ng mga gamit pang-ospital, gamot at bitamina, gayundin sa pagbibigay ng relief packs maging sa pagbili ng pansamantalang masisilungan ng mga taong-lansangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.