Lockdown sa Wuhan City natapos na

By Dona Dominguez-Cargullo April 08, 2020 - 07:53 AM

Natapos na ang 11 linggong lockdown na pinairal sa Wuhan City ang lugar na pinagmulan ng kaso ng COVID-19 na laganap ngayon sa mundo.

Pinayagan na muli ang nasa 11 milyong mga residente ng Wuhan na makabiyahe at makalabas ng lungsod.

Inabisuhan lang ang mga residente na dapat mayroon silang naka-download na data-tracking sa kanilang mobile phones.

Ito ay para mas mabilis ang magiging contact tracing kung kakailanganin.

Sinabayan ng simpleng seremonya ang pagtatapos ng lockdownsa Wuhan City kasabay ng pagbibigay ng pagkilala sa mga medical worker.

TAGS: COVID-19, Health, Inquirer News, lockdown, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City, COVID-19, Health, Inquirer News, lockdown, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.