DOLE nakapamahagi na ng P163M na halaga ng tulong sa mga manggagawa sa Central Luzon
Umabot na sa mahigit P163.115 milyon ang naipamahaging tulong Department of Labor and Employment (DOLE) sa mahigit 32,000 na manggagawa sa Central Luzon.
Galing sa 1,389 na establisyamento mula sa iba’t ibang probinsya ng rehiyon ang mga nasabing manggagawa.
Narito ang bilang ng mga manggagawa mula sa mga lalawigan sa Central Luzon na naayudahan ng DOLE:
Aurora – 66 establishments; 719 workers
Bataan – 129 establishments; 3,428 workers
Bulacan – 280 establishments; 9,608 workers
Nueva Ecija – 144 establishments; 2,178 workers
Pampanga – 431 establishments; 10,681 workers
Tarlac – 173 establishments; 2,403 workers
Zambales – 166 establishments; 3,606 workers
Patuloy pa ang ginagawang pagproseso ng DOLE sa mga isinumiteng aplikasyon ng libu-libong mga kumpanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.