Mas mataas na IRA para sa LGU, isusulong ni Tolentino

By Jan Escosio February 10, 2016 - 08:29 AM

12657284_1727875310767588_8496075169767879287_oAng pagpapalakas ng mga lokal na pamahalaan at mas maayos na pamamahala o good governance ang ibinida ni Senatoriable at dating MMDA Chairman Francis Tolentino sa unang araw ng kampanya.

Si Tolentino ay humarap sa League of Municipalities of the Philippines general assembly kung saan aabot sa mahigit 800 alkalde ng mga munisipalidad ang dumalo.

Iginiit ni Tolentino na dapat na amyendahan ang mahigit 20 taon nang Local Government Code para mas mapalawig ang papel ng mga LGU at mabigyan ng mas malaking porsyento sa internal revenue allotment o IRA.

Partikular na isinulong ni Tolentino na dating alkalde ng Tagaytay City, na agad ma-replenish o mapunan ng gobyerno ang 5% calamity fund ng mga LGU kapag nagamit na ito sa mga bagyo at iba pang kalamidad.

Kasabay naman ng pagsisimula kahapon ng opisyal na campaign period para sa mga national candidate, inilunsad ni Tolentino ang kanyang kampanya sa Cavite kasama ang kapatid na si Cong. Bambol Tolentino, si Cavite Gov. Jonvic Remulla at Vice Gov. Jolo Revilla .

Nanawagan din si Tolentino sa iba pang kandidato na pawang mahahalagang isyu ang tutukan sa kampanya tulad ng pagtitiyak ng ‘inclusive’ growth sa pamamagitan ng paghahatid ng de-kalidad na serbisyo publiko sa edukasyon at kalusugan.

Kabilang din ang isyu sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea at ang dati na niyang adbokasiya sa disaster preparedness ang aniya ay dapat maging sentro ng mga plataporma ng mga kandidato.

TAGS: Francis Tolentino, Francis Tolentino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.