Mahigit 1,400 na COVID-19 patients pumanaw sa France sa nakalipas na magdamag

By Dona Dominguez-Cargullo April 08, 2020 - 07:21 AM

Sa nakalipas na magdamag, mahigit 1,400 ang pumanaw sa France sa nakalipas na magdamag.

Dahil dito, umakyat na sa 10,328 ang death toll sa France dahil sa COVID-19.

Sa magdamag ay nakapagtala ng mahigit 11,000 na bagong kaso ng COVID-19 ang France na pang-apat sa mga bansa sa mundo na mayroong pinakamaraming kaso ng sakit.

Dahil dito umakyat na sa mahigit 109,000 ang kaso ng COVID-19 sa France.

Ang Spain naman ay nagtala ng 704 na nasawi sa magdamag kaya umabot nasa 14,045 ang nasawi sa naturang bansa.

Mayroon namang 141,942 na COVID-19 cases ang Spain.

Ang Italy ay nakapagtala ng 604 na panibagong nasawi sa magdamag dahilan para umabot na sa 17,127 ang death toll sa bansa.

Ang Italya ay mayroon namang 135,586 na kaso ng sakit.

 

TAGS: covid cases, covid death toll, COVID-19, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Spain, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid cases, covid death toll, COVID-19, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Spain, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.