US nakapagtala ng mahigit 1,800 na nasawi sa COVID-19 sa magdamag

By Dona Dominguez-Cargullo April 08, 2020 - 06:58 AM

Sa nakalipas na magdamag ay nakapagtala ng mahigit 1,800 na panibagong bilang ng mga nasawi sa Estados Unidos dahil sa COVID-19.

Umakyat na sa mahigit 12,700 ang total death toll ng US dahil sa COVID-19 at ito na ang ikatlong bansa sa mundo na nakapagtala ng may pinakamaraming bilang ng nasawi.

May naitala ring mahigit 27,000 na bagong kaso ng COVID-19 sa US sa magdamag.

Ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa US ay halos umabot na sa 400,000.

Sa naturang bilang, mahigit 21,600 lang ang naka-recover.

Mayroon pang mahigit 360,000 na aktibong kaso at mahigit 9,100 sa kanila ay kritikal ang kondisyon.
Excerpt:

TAGS: covid cases, COVID-19, Health, Inquirer News, New York, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, US, covid cases, COVID-19, Health, Inquirer News, New York, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.