58 ang pang Pinoy seafarers mula US dumating sa bansa

Mayroong 58 pang Filipino seafarers ang dumating sa bansa kagabi.

Sila ay pawang crew ng Carnival Panorama mula sa California, USA.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) simula kahapon ng umaga hanggang gabi ay umabot sa 1,045 na Overseas Filipino Workers (OFWs) ang napauwi sa bansa.

Kabilang dito ang 401 na seafarers mula sa 8 magkakaibang cruise ships, at 644 na undocumented Filipinos mula Kuwait.

Read more...