Sunog sumiklab sa residential area sa Taguig

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Western Bicutan, Taguig.

Nagsimula ang apoy sa isang bahay sa Blk. 22, Pinagsama Village ala 1:52 ng madaling araw ng Martes, April 8.

Agad namang nakaresponde ang mga tauhan ng Taguig Fire Department sa sunog.

Umabot lang sa unang alarma ang sunog.

Naideklarang under control na ang sunog alas 5:46 ng umaga.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy at kung magkano ang halaga ng ari-ariang natupok.

Read more...