Filipino community leader sa Madrid, Spain pumanaw
Pumanaw ang isang Filipino community leader sa Madrid, Spain.
Sa post sa Facebook page ng Embahada ng Pilipinas sa Spain, nagpaabot ito ng pakikidalamhati sa pagpanaw ni Nerissa Lacuin, Presidente ng Barrio Fiesta Association at Asociación de los Mindoreños en Madrid.
Si Lacuin ay kinikilala bilang isa sa mga nakatatandang lider ng Komunidad ng mga Pilipino sa Madrid na nagsilbi para isulong ang pagsasamahan ng mga Filipino doon.
“Naipakita nya ang kanyang taos-pusong pakikibahagi ng kanyang sarili at pagmamalasakit sa kapwa Pilipino sa iba’t-ibang kaganapan na inorganisa ng Barrio Fiesta Association dito sa Madrid at sa pagsuportang ipinamalas niya sa mga aktibidad ng Embahada,” ayon sa embahada.
Hindi naman binanggit sa post kung ano ang ikinasawi ng Pinoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.