Mandatory na pagsusuot ng face masks ipinatutupad na rin sa Valenzuela

By Dona Dominguez-Cargullo April 08, 2020 - 05:41 AM

Obligado na rin ang mga residente ng Valenzuela City na magsuot ng face mask kapag lalabas ng kanilang bahay.

Ito ay matapos maipasa sa lungsod ang Ordinance No. 687 Series of 2020 na nag-aatas ng mandatory na pagsusuot ng face mask.

Nakasaad sa ordinansa na kung walang surgical mask ay pwdeng gumamit ng kahit reusable o DIY mask, panyo, at iba pang pantakip sa ilong at bibig.

Lahat ng lalabag ay papatawan ng sumusunod na multa:

P1,000 – unang paglabag
P3,000 – ikalawang paglabag
P5,000 – ikatlong paglabag.

Kahapon naipasa na rin ang kahalintulad na ordinansa sa Quezon City.

TAGS: mandatory face mask, Ordinance No. 687 Series of 2020, Valenzuela City, mandatory face mask, Ordinance No. 687 Series of 2020, Valenzuela City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.