Bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa Laguna umabot na sa 102

Muling nadagdagan ang bilang ng nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Lokal na pamahalaan ng Laguna, pumalo na sa 102 ang kabuuang kaso (Martes, April 7 5PM).

Ang mga lugar na may kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay ang sumusunod:

Santa Rosa – 19
San Pedro – 18
Biñan – 16
Calamba – 10
Cabuyao – 5
Los Baños – 5
Santa Cruz – 5
Victoria – 4
Majayjay – 3
San Pablo – 3
Alaminos – 2
Pila – 2
Bay – 1
Calauan – 1
Cavinti – 1
Kalayaan – 1
Liliw – 1
Lumban – 1
Nagcarlan – 1
Paete – 1
Pagsanjan – 1
Pakil – 1

Siyam naman na ang nasawi at labinlima ang naka-recover.

Samantala, umabot na sa 1,061 ang patient under investigation (PUIs) at 5,644 naman ang person under monitoring (PUMs).

Nasa 7,677 naman ang mga PUMs na na-clear na.

Read more...