Bilang ng Filipino na nasawi dahil sa COVID-19 sa abroad, umakyat na sa 65 – DFA
Nadagdagan pa ang bilang ng mga Filipino na apektado ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang April 7, nasa 569 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 36 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 346 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Ayon sa DFA, 158 naman ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Umakyat naman sa 65 ang bilang ng nasawi dahil sa sakit.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Asia Pacific Region na may 217 na kaso.
Sumunod dito ang Europe na may 192 na kaso, Middle East na may 61 na kaso habang ang Americas naman ay may 99 cases.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.