Paggamit ng traditional Chinese medicine vs COVID-19, pinag-aaralan pa – DOH
Patuloy pa rin ang pag-aaran sa posibleng lunas sa COVID-19.
Sa virtual presser, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na kasali na ang Pilipinas sa inilunsad na Solidarity Trial ng World Health Organization (WHO).
Ang Solidarity Trial ay isang international study sa pag-aaral ng mga gamot na maaring magbigay ng lunas sa sakit na COVID-19.
Kagaya ng ibang complimentary study, sinabi rin ni Duque na tinitignan ng mga eksperto kung ano ang maaaring maging gamit ng traditional Chinese medicine laban sa nasabing virus.
Sa pagdating ng 12 Chinese medical experts sa bansa, inaasahan aniyang maganda ang maibabahagi nilang mungkahi sa bansa base sa naging karanasan sa paglaban ng COVID-19 sa kanilang bansa.
Malaki aniyang tulong ang expertise ng Chinese medical experts sa critical care medicine upang matugunan ang pangangailaln ng mga severe COVID-19 cases sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.