BREAKING: Bilang ng tinamaaan ng COVID-19 sa Pilipinas, sumampa na sa 3,764
Patuloy ang pagtaas ng bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa virtual presser, inanunsiyo ni Health Secretary Francisco Duque III na sumampa na sa 3,764 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.
104 aniya ang nadagdag na panibagong kaso ng virus sa bansa sa magdamag.
Ayon kay Duque, 14 pang pasyente ang nasawi sa Pilipinas kung kaya umabot na ang COVID 19-related deaths sa bansa sa 177.
11 pasyente naman ang naka-recover sa COVID-19 sa bansa.
Dahil dito, umabot na ang total recoveries sa bansa sa 84.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.