326 pang OFW mula Kuwait, nakauwi na ng bansa

Nakauwi na ng Pilipinas ang iba pang batch ng mga overseas Filipino worker (OFW) mula sa Kuwait.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), dumating na rin ang chartered flight lulan ang 326 pang OFW mula sa nasabing Gulf state.

Sinalubong ng ilang opisyal ng kagawaran ang mga OFW.

Dahil dito, umabot na sa 1,551 ang bilang ng OFWs na na-repatriate mula sa Kuwait.

Read more...