Pangulong Duterte, walang inaprubahang reclamation activities sa Manila Bay – Palasyo
Walang inaaprubahang reclamation activities si Pangulong Rodrigo Duterte sa Manila Bay.
Paglilinaw ito ng Palasyo ng Malakanyang matapos sabihin, Lunes ng gabi (April 6) ng Pangulo sa kanyang public address na nakahanda siyang ipagbili ang Roxas Boulevard sa Maynila para lamang may maipambili ng bigas at ipang-ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng COVID-19.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, status quo ngayon ang utos ng Pangulo na bawal ang reclamation sa Manila Bay.
Ikinababahala ng Pangulo na kapag nagkaroon ng reclamation sa Manila Bay, malulubog sa baha ang Maynila dahil sa walang maayos na pasilidad o daluyan ng tubig.
Sa panig ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, sinabi nito na hindi inclined ang Pangulo sa reclamation.
“Ang sinabi po ni Presidente kahapon hindi siya inclined na magbigay ng permit na magkaroon ng reclamation sa pagkat sang ayon sa kanya baka magkaroon ng problema ang maynila dahil baka ito ay mabaha. sa madaling sabi pinag-aralan ni presidente yung problema ng maynila saka reclamation,” pahayag ni Panelo.
Kaya pakiusap aniya ng Pangulo sa mga mayayaman, makipagtulungan sa pamahalaan para matugunan ang pangangailangan ng mga mahihirap na Filipino.
“Kaya ang sinasabi ni Presidente tayoy magtulungan s angayon. Kaya sabi niya sa mayayaman tulungan natin ang ating mga maralita at ating pamahalaan. pati na yung middle class sabi niya nagrereklamo din,” pahayag ni Panelo.
“Habang totoo na meron din silang naipon, meron silang mga bahay pero karamihan sa kanila may monthly amortization at yang lahat na yan whether we like itnor not mauubos yan. hindi natin alam kung kailan matatapos itong probelma sa coronavirus,” dagdag ni Panelo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.