Dumating na sa Pilipinas ang BRP Gabriela Silang, araw ng Martes.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), gagamitin ang nasabing barko para sa paghahatid ng medical supplies, personal protective equipment (PPE), mga gamot sa kasagsagan ng kinakaharap na krisis ng COVID-19.
Maliban dito, gagamitin din ang barko para mapadala ang mga frontliner katulad ng mga healthcare worker sa mga regional hospital sa iba’t ibang parte ng bansa.
Ang BRP Gabriela Silang ang pinakabago at pinakamalaking barko ng PCG.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.