Pinoy photographer na naka-base sa New York natagpuang walang buhay sa kaniyang apartment

Wala nang buhay nang madatnan sa kaniyang apartment noong Linggo (Apr. 5) ng umaga (oras sa Pilipinas) ang Filipino Photographer na si Rich Neri Concepcion.

Tubong Cagayan de Oro si Concepcion at naka-base ito sa New York.

Mag-isa lang ito sa kaniyang apartment nang makitang walang buhay.

Ayon sa New York Department walang nakitang senyales na may foul play sa pagkasawi ni Concepcion, 44.

Hindi na rin ito naisailalim sa autopsy at agad na isinailaim sa cremation lalo at may outbreak ng COVID-19 sa US.

Nabatid na bago makitang walang buhay, nagtungo pa sa ospital sa Queens New York si Concepcion dahil masama ang kaniyang pakiramdam.

Pero hindi siya nasuri dahil sa haba ng pila ng mga pasyente.

Ang naturang ospital kasi ay isa sa mga pangunahing pagamutan na tumatanggap sa COVID-19 patients.

Read more...