Ayon kay Energy Undersecretary Felix William Fuentebella, ngayong bago na ang nangangasiwa sa supply ng kuryente sa Iloilo City ay asahan din ang magandang pagbabago mula sa dating 96 taong pamamalakad ng Panay Electric Company (PECO).
Sinabi naman DOE- Electric Power Industry Management Bureau Director Mario Marasigan na maganda ang operasyon ng More Power at pagkalipas ng umiiral na Enhanced Community Quarantine bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID 19) ay magkakaroon muli ng validation work sa inilatag nitong modernization program.
Ipinaliwag ni More Power President at Chief Operating Office Roel Castro na target ng kanilang roll out program na mapababa ang singil sa kuryente.
“investing P1.8B to modernize the city’s power distribution system will improve power efficiency, cut systems losses and will give Iloilo Citya more reliable, safer and cheaper electricity supply than they got from the previous utility.” pahayag ni Castro.
Sa datos ng Energy Regulatory Commission (ERC) ay nasa 9.03% ang system losses ng PECO noong 2019 na mataas sa itinatakda na 6.5% kaya target ngayon ng More Power na pababain ito sa pamamagitan ng nakatakdang pagpapalit ng mga bagong electric meters at faulty lines na syang nagdudulot ng mataas na system losses.
Bukod dito ang isinasagawa nang pagpapalit ng mga bulok na poste ng kuryente, undersized transformers, undersized conductors, luma at sira sirang mga substations gayundin ang pagpapalit sa may 119 transformers na umiinit na indikasyon na mayroong overloading sa kuryente.
“MORE Power will be pro-active in ensuring Ilonggos will have safe, reliable and cheaper electricity supply with its investment in modern distribution lines and equipment to replace the aged system in place” dagdag pa ni Castro.
Samanatala sa isang notice to the public na ipinalaba ni Iloilo City Mayor Gerry Treñas sinabi nito na ang More Power na ang syang dapat na kilalanin ng mga power consumers na lehitimong distrubution utility sa lungsod na syang may balidong legislative franchise mula sa Kongreso at operational permit mula sa ERC.
Ang pahayag ay ginawa ng alkalde kasunud na rin ng patuloy pa rin na ipinalalabas na advertisement ng PECO.
“I am dismayed by the continued paid advertisements and press releases of PECO claiming that it is still the power distributor in Iloilo City which have caused confusion and uncertainty to the minds of the Iloilo City consumers,”ayon kay Treñas.
Matatandaan na una na ding sinabi ni ERC Chairman Agnes Devanadera wala nang hurisdiksyon ang PECO sa Iloilo City matapos na bawiin ang prangkisa nito at ang kanilang Certificate of Public Convenience and Necessity.