Tax credit para sa middle income earners iginiit
Hiniling ni ACT CIS Partylist Rep. Niña Taduran sa gobyerno na magbigay ng tax credit sa middle income earners sa gitna ng krisis sa COVID-19.
Ayon kay Taduran maging ang pamilya ng mga ito ay nangangailangan ng tulong pinansyal sa panahong ito dahil mas malaki ang gastos.
Marami rin anyang middle income families ang apektado ng paghina ng ekonomiya at paghinto ng trabaho.
Kaya naman apela ng kongresista sa pamahalaan, bigyan ang middle income earners kahit man lang kabawasan sa buwis na katumbas ng halagang ipinamahagi sa mahihirap na pamilya sa ilalim ng social amelioration program.
Malaking bagay anya ang kabawasang P5,000 hanggang P8,000 na magagamit naman nila sa personal na pangangailangan.
Sabi ni Taduran, bagama’t kabawasan ito sa kita ng gobyerno, makatutulong rin naman sa ekonomiya ang dagdag na purchasing power ng middle class bukod pa sa hindi na ito dagdag na gastos ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.