Pagpapasa ng supplemental budget ng Kongreso kapag kinulang ang pondo para sa COVID-19 hindi na kailangan

By Erwin Aguilon April 07, 2020 - 11:12 AM

Iginiit ni House Speaker Alan Peter Cayetano na Hindi na kailangan pa na mag-apruba ang Kongreso ng supplemental budget sakaling kulangin ang pamahalaan sa inilaang alokasyon sa emergency subsidy program para sa mga mahihirap na pamilyang apektado ng COVID-19 pandemic.

Sa isang virtual presser, sinabi ni Cayetano na sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act ay malaya ang ehekutibo na mag-reallocate ng pondo para gamitin sa COVID-19 response.

Sa ngayon, P200 billion ang alokasyon ng pamahalaan para sa ibibigay na P5,000 hanggang P8,000 sa 18 million na mahihirap na pamilyang Pilipino para sa loob ng dalawang buwan.

Pero sa oras na kulangangin man ito, lalo pa at nagkakaproblema ngayon sa listahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kung sino lang ang dapat na bigyan ng cash assistance, sinabi ni Cayetano na may mga pag-aaral nang ginagawa ang economic team ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa posibleng pagkuhanan ng pondo.

Gayunman aminado ito na “tricky” ang reallocation ng pondo gayong pinaghahandaan din ang negatibong epekto ng COVID-19 sa ekonomiya ng bansa kapag makaahon na sa krisis na dulot ng naturang sakit.

TAGS: Alan Cayetano, COVID, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, supplemental budget, Tagalog breaking news, tagalog news website, Alan Cayetano, COVID, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, supplemental budget, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.