Pagpapalawig ng enhanced community quarantine hanggang Apr. 30 aprubado na ni Pangulong Duterte – IATF

By Chona Yu, Dona Dominguez-Cargullo April 07, 2020 - 09:59 AM

(BREAKING) Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter Agency Task Force para palawigin pa ng ang umiiral na enhanced community quarantine.

Ayon kay Cabinet Secretary at IATF spokesperson Karlo Nograles, nakasaad sa rekomendasyon nila ang pagpapalawig ng ECQ hanggang sa April 30, 2020, alas 11:59 ng gabi.

Ito ay aniya ay agad inaprubahan ng pangulo matapos pag-aralan.

“‘Yung ECQ is up to April 30,11:59 pm.Ito ang rekomendasyon ng IATF na tinanggap ni Pang. Duterte at inannounce na niya kagabi. Matapos ang kanyang announcement vinerify namin, ang ECQ is hereby extended until 11:59pm of April 30,” ayon kay Nograles.

Sa gagawing extension iiral pa rin ang mga kasalukuyang guidelines ng IATF kabilang na ang pabibigay ng exemptions sa mga medical frontliners at iba pa.

Pero ayon kay Nograles na kay Pangulong Duterte pa rin ang pagpapasya sa gagawing pagpapalawig sa ECQ.

May diskresyon aniya ang pangulo na i-relax ang ilang guidelines sa pagpapatupad ng ECQ sa ilang lugar, o magdagdag ng exemptions sa iba pang sektor.

Wala namang nakikitang rason ngayon ang IATF na magpatupad ng ECQ sa Visayas at Mindanao.

“No need for enhanced community quarantine in Visayas and Mindanao,” pahayag ni Nograles.

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, extension, Health, Inquirer News, inter-agency task force, Karlo Nograles, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, extension, Health, Inquirer News, inter-agency task force, Karlo Nograles, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.