Ayon kay AFP Public Affairs Offiuce Chief Col. Noel Detoyato, bukod sa pagbabawal sa pagpo-post, pagla-like at pagsi-share ng mga mensahe sa mga social networking sites na may temang pumapabor o kontra sa isang politiko ay ipinatutupad na din nila ang pagbabawal sa lahat ng uri ng mga campaign materials na makapasok sa mga kampo ng militar sa buong bansa.
Inihalimbawa ng opisyal ang mga sticker sa sasakyan ng isang kandidato, t-shirt, cap, baller id at iba pang kahalintulad nito dahil isa na itong pagpapahiwatig ng pagsuporta sa isang partikular na kandidato.
Maliban dito, wala rin umanong sinuman ang pinapayagan na magsagawa ng kampanya sa loob ng mga kampo dahil sa labag na ito sa kanilang mandato na manatiling ‘apolitical’.
Tiniyak naman ng opisyal na may kaukulang parusa sa ilalim ng Articles of War ang sinumang tauhan ng AFP na lalabag sa kautusang ito .