21 residente ng Sitio San Roque sa QC laya na sa pagkakakulong

By Dona Dominguez-Cargullo April 07, 2020 - 07:32 AM

Nakalaya na mula sa pagkakabilanggo ang 21 residente ng Sitio San Roque sa Quezon City na dinakip matapos iprotesta ang kawalan umano ng tulong sa kanila ng pamahalaan.

Inilabas ng QC Metropolitan Trial Court Branch 132 ang utos sa pagpapalaya sa mga residente matapos silang makapaglagak ng piyansa.

Limang gabi din silang nanatili sa Quezon City Jail.

P15,000 ang piyansa na inilagak ng bawat isang inaresto.

Ang naturang mga residente ay nagsagawa ng protesta sa EDSA dahil hindi umano sila nararating ng tulong ng pamahalaan.

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Protest Rally, public health emergency, QC court, Radyo Inquirer, Sitio San Roque, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Protest Rally, public health emergency, QC court, Radyo Inquirer, Sitio San Roque, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.