Water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon muling nabawasan

Muling nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig sa Angat dam alas-6 umaga ng Martes (April 7) ay nasa 194.60 meters mas mababa sa 194.94 meters na antas nito kahapon.

Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.91 meters mas mababa sa antas nito kahapon na nasa 100.96 meters.

Bahagya namang nadagdagan ang water level ng La Mesa dam na nasa 77.14 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 77.12 meters.

Samantala, nabawasan din ang antas ng tubig ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams habang nadagdagan ang antas ng tubig ng Binga dam.

Read more...