UK PM Boris Johnson inilipat sa ICU matapos lumala ang sintomas ng COVID-19
Inilipat sa Intensive Care Unit (ICU) si United Kingdom Prime Minister Boris Johnson.
Ito ay dahil sa paglala ng sintomas nito ng COVID-19.
“Over the course of this afternoon, the condition of the Prime Minister has worsened and, on the advice of his medical team, he has been moved to the Intensive Care Unit at the hospital,” ayon sa tagapagsalita ng tanggapan ni Johnson.
Hiniling na ng 55 anyos na prime minister si Foreign Sec. Dominic Raab na magsilbi munang deputy.
Linggo ng gabi nang dalhin sa ospital si Johnson at sumailalim sa serye ng tests 10 araw matapos siyang magpositibo sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.