Mahigit 4,000 na PUV drivers unang makatatanggap ng cash assistance sa ilalim ng social amelioration program ng pamahalaan

By Dona Dominguez-Cargullo April 07, 2020 - 06:02 AM

Inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang paunang listahan ng mga tsuper na makatatanggap ng cash assistance mula sa pamahalaan sa ilalim ng social amelioration program.

Umabot sa 4,175 na pangalan ang nasa unang listahan na inilabas ng LTFRB.

Sila ay pawang mga driver ng pampublikong sasakyan sa Metro Manila na pasok sa programa.

Ayon sa LTFRB, maglalabas sila ng susunod na anunsiyo para sa karagdagang listahan ng mga driver sa iba pang rehiyon.

Kailangan ang driver’s license at photocopy nito na may dalawang pirma para makuha ang assistance.

Kung kumpiskado ang lisensya ay pwedeng ipakita ang temporary operator’s permit, government issued ID, at photocopy ng ID na may dalawang pirma.

Para makita kung kasama sa mga mapagkakalooban, narito ang listahan na inilabas ng LTFRB:

https://ltfrb.gov.ph/wp-content/uploads/2020/04/FOR_Website_LTFRB-Payroll-1ST-Batch-2.pdf

TAGS: cash assistance, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, LFFRB, Metro Manila, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, PUV drivers, Radyo Inquirer, social amelioration program, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, cash assistance, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, LFFRB, Metro Manila, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, PUV drivers, Radyo Inquirer, social amelioration program, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.