Mag-ina pinatay ng mga stay-in construction worker sa QC

By Jay Dones February 10, 2016 - 04:21 AM

 

crime-scene-e1400865926320Patuloy na pinaghahanap ng mga tauhan ng Quezon City Police ang isa pa sa tatlong construction worker na pumatay sa dalawang mag-ina sa pamamagitan ng walang awang pag-pukpok sa mga ito ng tubo sa Lungsod ng Quezon.

Ito’y makaraang maaresto ang dalawa sa tatlong suspek na sina Edilberto Escando at Bernabe Escario na suspek sa pagpatay sa mga biktima sa loob ng kanilang tahanan sa 1st St., Bitoon Circle Barangy Commonwealth, Lunes ng umaga.

Tinutugis naman ang isa pang suspek na si Virgilio Beloy Del Rosario na tumakas matapos ang krimen.

Una rito, nasawi sanhi ng matinding pinsala sa ulo at iba’t-ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang sina Princesita Villanueva, 66 na taong gulang at ang anak nitong si Christian, 36 taong gulang.

Samantala, nananatiling nasa ospital ang isa pang biktima na si Ruben Villanueva, sanhi ng mga palo ng tubo sa kanyang ulo.

Ang mga suspek ay mga construction worker sa pinapagawang apartment ng mga biktima.

Sa imbestigasyon, sinasabing nagtanim ng galit ang mga suspek sa biktimang si Princesita nang pagalitan umano nito ang mga laborer dahil sa malimit na pag-iinom at paglalasing.

Diumano, hindi rin napagbigyan ng mga biktima ang paghiling ng cash advance ng mga ito kaya’t gumanti ang mga suspek at pinasok ang mga biktima sa kanilang tahanan at pinatay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.