221 COVID-19 cases, naitala sa Maynila

Nadagdagan pa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Maynila.

Batay sa MHD/MEOC COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Lunes ng hapon (April 6), umabot na sa 221 ang kaso ng COVID-19 sa lungsod.

428 naman ang naitalang persons under investigation (PUI).

Samantala, batay sa datos, nasa 17 pasyente na ang nakarekober habang 30 ang pumanaw na.

Read more...