Ayon sa Pagasa, mas lumakas pa ang bagyo at taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 75 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 90 kilometers kada oras.
Bahagya itong bumagal at kumikilos ito sa direksyong West Northwest sa bilis na 10 kilomters kada oras.
Sa weather bulletin ng Pagasa, huling namataan ang bagyong Egay sa 445 kilometers east ng Baler, Aurora.
Sa Lunes ay posibleng sa Batanes ang landfall ng bagyong Egay.
Inaasahang sa Miyerkules pa ng hapon o gabi lalabas ng bansa ang bagyo kung hindi mababago ang kasalukuyang kilos nito./ Dona Dominguez-Cargullo