Signal No. 1 sa anim na lugar sa bansa

July 03, 2015 - 05:52 PM

IMG-20150703-WA0005Itinaas na ng Pagasa ang public storm warning signal number 1 sa mga lalawigan ng Northern Aurora, Quirino, Cagayan kabilang na ang Calayan, Isabela at Babuyan Group of Island dahil sa bagyong Egay.

Ayon sa Pagasa, mas lumakas pa ang bagyo at taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 75 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 90 kilometers kada oras.

Bahagya itong bumagal at kumikilos ito sa direksyong West Northwest sa bilis na 10 kilomters kada oras.

Sa weather bulletin ng Pagasa, huling namataan ang bagyong Egay sa 445 kilometers east ng Baler, Aurora.

Sa Lunes ay posibleng sa Batanes ang landfall ng bagyong Egay.

Inaasahang sa Miyerkules pa ng hapon o gabi lalabas ng bansa ang bagyo kung hindi mababago ang kasalukuyang kilos nito./ Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: Pagasa, Radyo Inquirer, signal number 1, Tropical Storm Egay, Pagasa, Radyo Inquirer, signal number 1, Tropical Storm Egay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.