WATCH: ECQ, posibleng palawigin – Pangulong Duterte

By Chona Yu April 06, 2020 - 11:25 PM

Presidential photo

Malaki ang tsansa na palawigin pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umiiral na isang buwang enhanced community quarantine sa Luzon.

Sa “Talk to the Nation” ni Pangulong Duterte, sa halip na April 12, maaring palawigin pa ang ECQ hanggang sa April 30.

Base ito aniya sa kanyang pakikipagpulong sa Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

Narito ang bahagi ng pahayag ng Pangulo:

Habang pinag-aaralan pa ang sitwasyon, sinabi ng Pangulo na doble-kayod ang pamahalaan sa paghahanap ng pondo para matugunan din ang pangangailangan ng iba pang apektado ng COVID-19.

Aminado kasi ang Pangulo na hindi sapat ang P270 bilyong pondo para ipang-ayuda sa mga apektadong Filipino.

Utos ng Pangulo kay Finance Secretary Sonny Dominguez, maghanap pa ng karagdagang pondo para maayudahan din ang mga nasa middle class gaya ng inihihirit ni Cavite Governor Jonvic Remulla.

“P100 billion for one month or P270 billion for two months naka program na is not enough, I’m calling on SOF to generate magnakaw ka maghiram ka produce mo yung pera, pag naubos na ito di ko malaman itong COVID na ito ito yung tunay, at the start sinabi ko sa inyo, bantay tayo, talagang yayariin tayo nito. It might not really cripple a country but it will of course cause a sadness fear kung paano tayo makaraos dito. Exploring options to adjust our budget, sinabi ko bawasan na lang yung iba o totally ilaglag na lang yun project na yan, lagay mo dito, ang unahin natin ang tao ang tiyan, pag wala na kinakain human being can be violent especially makita nya anak nya wala na kinakain. Hindi lang ako, lahat sa buong mundo kaming in charge sa gobyerno yun ang problema namin, problema ko problema ni Trump problema ni Trump economy nila wala kita puro gastos na ang, walang kumikita araw araw,” pahayag ng Pangulo.

TAGS: COVID-19 update, enhanced community quarantine, Rodrigo Duterte, Talk to the Nation of Pres. Duterte, COVID-19 update, enhanced community quarantine, Rodrigo Duterte, Talk to the Nation of Pres. Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.