Sinagot ng Department of Transportation o DOTr ang mga batikos na walang ginagawa ang kagawaran lalo na si Transport Secretary Arthur Tugade sa panahon ng Enhanced Community Quarantine sa Luzon.
Ayon kay Transport Assistant Secretary for Communication Goddes Libiran, tuloy-tuloy ang pagbibigay nila ng free bus ride para sa health workers kung saan nasa 95 hanggang 112 bus sa 19 na ruta ang umiikot kada araw.
Kabilang aniya sa mga ospital na ito ang mga sumusunod :
· Philippine General Hospital
· San Lazaro Hospital
· UST Hospital
· Ospital ng Maynila
· Manila Doctors Hospital
· Quezon City General Hospital
· East Avenue Medical Center
· Philippine Heart Center
· National Kidney and Transplant Institute
· Lung Center of the Philippines
· Quirino Medical Center
· Chinese General Hospital
· FEU Hospital
· Our Lady of Fatima Hospital
· MCU Hospital
· Makati Medical Hospital
· San Juan de Dios Medical Education Center
· Amang Rodriguez Memorial Medical Center
· Rizal Medical Center
Ang nasa 60 bus company naman aniya na lumalahok sa programa ay binibigyan ng ahensya ng fuel subsity na 50 lito bawat araw.
Sabi ni Libiran, libu-libo ring mga OFW ang nakinabang sa libreng sakay ng DOTr sa pamamagitan ng Libreng Sakay Program sa tulong na rin ng OWWA at DFA.
Ipinagmalaki rin nito na sa pakikipag-ugnayan sa Toll Regulatory Board ay nabigyan ng pagkakataon ang medical front liners na makadaan sa mga expressway sa Luzon ng walang anumang kailangan bayaran.
Sinabi pa nito na nagkaroon ng 30-araw na grace period sa pagbabayad ng kanilang loan para sa Public Utility Vehicle Modernization Program ang mga may pagkakautang kung pumatak sa panahon ng ECQ ang due date ng mga ito.
Nakipag-ugnayan na rin aniya ang ahensya sa DSWD, LTFRB at Landbank upang mabigyan ng cash assistance ang mga PUV driver.
Namamahagi rin aniya ang DOTr na nasa 150,000 na facemask, 5,952 na canned goods, alcohol at disinfectant ang ipinamahagi ng ahensya sa mga ospital, health workers at iba pang frontliner.
Bukod dito, sinabi ng DOTr na maaga silang nakapag-remit ng P11-billion dividends sa National Treasury mula sa mga limang ahensyang nasa ilalim nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.