Kontratista ng gumuhong gusali sa Taiwan, inaresto
Inaresto na ng mga otoridad sa Taiwan ang developer ng gusaling gumuho sa kasagsagan ng magnitude 6.4 na lindol kamakailan.
Ito’y makaraang lumutang ang ilang mga katanungan sa konstruksyon ng 17-palapag na Wei Guan Golden Dragon Building sa Tainan, kung saan nasa 39 katao ang namatay at pinangangambahang nasa 100 pa ang natabunan at hinahanap.
Pagpapaliwanagin ng Taiwan prosecutors si Lin Ming Hui dahil sa mga nakitang mga lata ng cooking oil sa pagitan ng ilang mga konkretong pader ng gumuhong gusali na hinihinalang ginamit upang makatipid sa halaga ng konstrukyon.
May ilang mga media reports din ang nagsabing may nakitang polystyrene sa pagitan ng mga bumagsak na haligi na inihalo sa semento.
Ang Wei-Guan na nakumpleto noong 1994 ay ang nag-iisang high-rise building sa bayan ng Tainan.
Noong Sabado, umpisa ng Lunar New Year Holiday, isang malakas na lindol ang gumiba sa naturang gusali at ilan pang struktura sa naturang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.