Kaso ng COVID-19 sa Bicol region, nadagdagan ng 2
By Angellic Jordan April 06, 2020 - 10:14 PM
Nadagdagan ng dalawa pa ang kaso ng COVID-19 sa Bicol region.
Ayon sa DOH CHD-Bicol hanggang 5:00, Lunes ng hapon (April 6), nasa 13 na ang total affected cases ng virus sa rehiyon.
Pinakamaraming naitala sa bahagi ng Albay na mayroong siyam na COVID-19 patients.
Isang pasyente naman ang nasawi bunsod ng virus habang umakyat na sa lima ang gumaling.
Sa ngayon, nasa 115 ang persons under investigation (PUIs) sa rehiyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.