Pagtaas ng testing capacity at isolation facilities senyales na kaya ang pagpapalawig sa ECQ

Naniniwala si House Committee on Ways and Means chairman Joey Sarte Salceda na ang pagtaas ng testing capacity at pagdami ng mga isolation facilities ng bansa ay senyales na kaya ng pamahalaan na palawigin pa ang enhanced community quarantine.

Ayon kay Salceda, mas mapapalakas pa ang laban ng pamahalaan kontra COVID-19 pandemic kung palawigin pa ng dalawang linggo ang enhanced community quarantine sa Luzon.

Naniniwala si Salceda na mas kaya ng gobyerno na matulungan ang publiko at mapalakas ang tsansang mag-wagi sa laban kontra COVID-19 kung palawigin pa ng dalawang linggo ang lockdown.

Sinabi ng kongresista na dahil hindi naman mako-kontrol ang infectiousness ng virus, dapat na ituon ng pamahalaan ang kapasidad nito sa public health response.

Noong nakaraang linggo lang ay inanunsyo ng Department of Health ang delivery ng test kits sa limang subnational laboratories at talong iba pang laboratoryo sa bansa para magsagawa ng 40,700 tests bawat isa.

Dahil dito, sinabi ni Salceda na mas may kakayahan na ang pamahalaan na makapagsagawa ng maraming testings, gayundin ang pag-isolate sa lalong madaling panahon sa mga infected patients.

Mahalaga aniya ito para sa desisyon na gagawin naman para sa tuluyang pagbawi sa enhanced community quarantine.

Read more...